Pagdalo ni VP Sara Duterte sa budget hearing sa plenaryo, wala pang kasiguraduhan

Wala pang kumpirmasyon mula sa Office of the Vice President kung makadadalo si Vice President Sara Duterte para sa gaganapin na budget hearing sa plenaryo para sa pondo ng OVP sa 2025.

Ayon kay OVP Spokesperson Atty. Michael Poa, una pa lang ay sinabi na ng ikalawang pangulo na nasa kamay na aniya ng Kongreso ang magiging desisyon sa budget ng kaniyang opisina.

Dagdag ni Poa, may mga dokumento naman nang naisumite ang OVP para sa pondo nito sa susunod na taon at nakasaad naman aniya lahat sa kanilang budget proposal.

Panoorin ang naging buong panayam kay Atty. Poa sa aming FB Page at Youtube channel ng News5Everywhere.

#TedFailonandDJChacha #DitoTayoSaTotoo #SaTrue #TrueFM

Follow News5 and stay updated with the latest stories!

https://www.facebook.com/News5Everywhere
https://twitter.com/News5PH
https://www.instagram.com/news5everywhere/
https://www.tiktok.com/@news5everywhere
🌐 https://www.news5.com.ph