Dito, walang puwang ang lungkot. Kung anuman ang ‘yong pinagdadaanan, pahinga ka muna with the ‘Showtime’ family para maambunan ka ng good vibes at puso mo’y maging happy.
Sina Angela Ken at Benj Pangilinan, may hatid na ‘kilig’ kantahan. Paano nga ba nabuo ang ‘collab’ nilang dalawa? Balita namin, kinonsulta ni Benj ang kuya n’yang si Donny Pangilinan tungkol sa pwede n’yang maka-duet. At si Angela agad ang naisip ni Donny.
Masaya ang guess-sing dahil umaapaw ang blessing. Dito sa “Karaokids,” hindi lang for fun ang hulaan, dahil may mga deserving madlang people na mabibiyayaan. Ang kailangan lang gawin ng ‘Showttime’ family, ibigay ang title ng kakantahin nina Argus, Briseis, Kulot at Kelsey.
“Ang luma ng mga kanta,” pabirong komento nina Ogie Alcasid at Darren Espnto na hindi man lang nakapuntos kahit isa. Sinadya pang magkamali ni Vice Ganda para makahabol ang dalawa, pero ang ending, inagaw ni Jhong Hilario ang pagkakataon. Sa sobrang pagka-competitive, makuha kaya nina Jhong at Teddy Corpuz ang jackpot prize?
Sa loob ng walong taon, hindi mabilang ang pagkakataon na binigay para maisalba ang relasyon. ‘Yan ang kwento nina Janelle at Daniel sa “EXpecially For You.”
Cheating. Breakup. Comeback. Repeat. Nagsimula ang conflict nang si Daniel ay matukso sa isang babaeng nakilala online. Nagkabalikan matapos aminin ni Daniel ang pagkakamali. Pero naulit ang pagkakamaling ito, and this time, dalawa na sila ni Janelle na naghanap ng comfort sa iba. Naggantihan nga ba sila? Sa huling pagkakataon, ginusto nilang mag-take pa ng risk. Pero nasa huli ang pagsisisi.
May malalim na input d’yan si Jackie Gonzaga, na hinangaan hindi lamang sa hosting skills at love wisdom n’ya, kundi sa pagiging vulnerable at matapang na ibahagi ang nilalaman ng kanyang puso. Komento ni Vice Ganda, nahanap na n’ya ang “the best EXpecially For You” host, na walang iba kundi si Jackie.
Tandaan ang pamantayan para umariba sa “Tawag Ng Tanghalan The School Showdown.”
Unang sumabak sa entablado ang estudyanteng nangangarap maging singer at engineer – si Matthew Trese ng Calubcob-1 National High School. Bibilib ka sa pag-awit niya ng “Someone Who Believes In You.” Honor student sa kanilang eskwelahan, naging matalino rin sa mga notang binitawan si Carmela dela Cruz ng Cabaruan Integrated School na bumirit ng “Walang Kapalit.”
Kung si Lassy naman daw ang kakanta, title ay magiging “Walang Ka-pangit.” Dahil pamilya ni Carmela ay nangingisda, inihalintulad n’ya sina Lassy, Vhong Navarro, Jhong at Teddy sa mga nilalang na nakikita sa tubig.
Alamin ang naging komento nina hurado Nonoy Zuniga, Erik Santos at Darren Espanto. Matapos ang salpukan ng dalawang tinig, boses ni Matthew ang nanaig. Sa darating na ‘prelims,’ siya’y muling magpapabilib.