‘It’s Showtime’ hosts, excited na para sa Magpasikat 2024

Excited na ang mga host ng “It’s Showtime!” para sa inaabangang “Magpasikat” performances nila kasabay ng 15th anniversary ng Kapamilya noontime show.
Unang magpe-perform sa Magpasikat 2024 ang team nina Vice Ganda, Karylle, at Ryan Bang.
Susundan sila ng team nina Ogie Alcasid, Kim Chiu, MC, at Lassy.
Magkakagrupo naman sina Vhong Navarro, Amy Perez, Daren Espanto at Ion Perez.
Ikaapat na grupo naman sina Anne Curtis, Jugs Jugueta, at Teddy Corpuz, habang last group sina Jhong Hilario, Jackie Gonzaga, at Cianne Dominguez.